Pinoy circus performer, abante na sa next round ng America’s Got Talent

Abante na sa susunod na round ng America’s Got Talent ang Filipino circus performer na si Ehrlich Ocampo.

Apat na “yes” at standing ovation ang natanggap ni Ocampo mula sa mga huradong sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum at Simon Cowell matapos na mapabilib sa kanyang leviwand act.

Kaya para kay Ocampo, sulit ang pagbiyahe niya sa US kahit pa may mga taong dudang makakapasok siya sa AGT.


Pinasalamatan din niya ang kanyang mga pamilya at kaibigan na sumuporta sa kanya at naging inspirasyon niya para lumaban.

Facebook Comments