Tiniyak ng Filipino community sa Los Angeles, California na hindi naman naapektuhan ang kanilang pamumuhay ng nangyaring mass shooting sa selebrasyon doon ng Lunar New Year kung saan isang Pinoy ang nasawi.
Sinabi ni Ken Chua sa RMN Manila, isa sa mga Filipino-Chinese sa Los Angeles at tubong Cebu na normal naman ang kanilang pamumuhay doon bagama’t malapit lang sa kanilang tahanan ang pinangyarihan ng pamamaril.
Samantala, tiniyak ng Philippine Consulate sa Los Angeles na handa silang tulungan ang pamilya ng Pinoy na namatay sa shooting incident sakali mang hilingin nito
Sa ngayon, inirerespeto ng Konsulada ng Pilipinas ang privacy at pagdadalamhati ng naiwang pamilya ni Valentino Alvero, 68 taong gulang.
Facebook Comments