Pinoy crew ng MV Tutor, tatanggap ng kabuuang mahigit P200,000 kada isa mula sa gobyerno

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tatanggap ang bawat crew ng MV Tutor ng tig- ₱230,000 mula sa gobyerno.

Ayon sa DMW, ₱150,000 nito ay mula sa liderato ng Kamara, ₱50,000 mula sa DMW at ₱10,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Magkakaloob din anila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱20,000 kada seafarer.


Bago umuwi ng Pilipinas ang 21 Pinoy crew, nakatanggap sila ng tig- ₱30,000.

Facebook Comments