Pinoy fans, nagdiwang sa panalo ng Pilipinas vs USA sa 30th Dubai International Basketball Championship

Dubai – Ipinagdiwang ng mga pinoy sa United Arab Emirates (UAE) ang pagkakapanalo ng koponan ng pilipinas sa 30th Dubai International Basketball Championship, 87-58.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Consul General to Dubai Paul Raymond Cortez na halos 3,000 mga Pinoy ang dumayo sa Al Ahli Sports Club nang magharap ang players ng Mighty Sports at American University.

Pinangunahan nina two-time NBA champion, former Los Angeles Laker Player at import player ng Pilipinas na si Lamar Odom at isa pang foreign player na si Justin Brownlee ang pilipinas.


Sunod na makakalaban ng mighty sports ang mga manlalaro mula sa UAE national basketball team.

Facebook Comments