Pinoy gymnast na si Carlos Yulo, makakatanggap ng P750,000 special incentives mula sa Philippine Sports Commission

Inaprubahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P750,000 halaga ng special incentives na ibibigay kay Carlos Yulo.

Ito ay matapos makamit ng manlalaro ang double-medal triumph sa 2021 World Artistic Gymnastics Championship na ginanap sa Kitakyushu, Japan noong nakaraang linggo.

Sa inilabas na pahayag ng PSC, nakapaloob sa P750,000 ang P500,000 para sa gold medal performance ni Yulo sa vault event at P250,000 para sa silver medal sa parallel bars.


Noong 2019, una nang nakatanggap ng P500,000 si Caloy para sa paghakot ng maraming medals sa Southeast Asian Games at P500,000 para sa pagkakasama sa Tokyo Olympics.

Facebook Comments