Pinoy Hajj pilgrims, sunod-sunod ang pagdating sa Saudi Arabia

Sunud-sunod ang pagdating ngayon ng Filipino Hajj pilgrims sa Makkah at Jeddah sa Saudi Arabia.

Sila ay bahagi ng 5,000 na mga Pilipinong Muslim na lalahok sa Hajj pilgrimage ngayong taon.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Riyadh, sa Philippine Consulate General sa Jeddah, at sa National Commission on Muslim Filipinos para matiyak ang seguridad ng Hajj pilgrims.

Magsisimula ang Hajj pilgrimage sa June 5 hanggang sa June 9.

Ang 5,000 Pinoy pilgrims na lalahok ngayong taon sa nasabing pilgrimage ay bahagi ng 7 million Filipino Muslims sa Pilipinas.

Facebook Comments