Pinayuhan ng POLO Kuwait ang Filipino household service workers sa Kuwait na hindi binabayaran ng indemnity claims ng kanilang employer na dumulog sa kanilang tanggapan
Ayon sa POLO Kuwait, subukan din munang kausapin ang employer at kapag tumanggi itong magbayad ng indemnity, maaaring magsumbong ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang tanggapan para makapaghain ng pormal na reklamo.
Ang indemnity o bayad-pinsala ay ang kabayaran sa pagtatapos ng serbisyo ng household service worker.
Ito ay nakapaloob sa Article 23 ng Batas Kasambahay ng Kuwait, na naging epektibo mula noong Hunyo, 2015.
Ang halaga ng matatanggap na indemnity ay katumbas ng isang buwang sweldo sa bawat taon ng serbisyo, ito ay sa kondisyong natapos ng household service worker ang kanyang dalawang-taong kontrata sa kaparehas na amo.