Iginiit ni Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi dapat maging target ng PUV Modernization Program ang pagbura sa lansangan ng mga Pinoy jeepney.
Diin ni Salceda, ang dapat gawin ay i-modernize ang mga lumang pampasaherong jeep at tiyaking tatangkilikin sa pagpapatupad nito ang mas mura at local manufacturing ng modern jeep.
Para kay Salceda, mainam kung maibaba sa P600,000 ang kada unit ng modern jeep mula sa kasalukuyang ₱2 million para mas makayanan ito ng jeepney drivers at operators.
Binanggit ni Salceda na kung local manufacturers ang bubuo ng modern jeep ay hindi hihigit ang halaga nito sa ₱1 million kaya aabutin lang ng pitong taon ang return of investment na mas maikli sa 22 taon para sa ₱2 million halaga ng modern jeep.
Bukod dito ay pinapakonsidera rin ni Salceda sa Department of Transportation ang emissions ng modern jeep sa pamamagitan ng per capital basis dahil mas kakaunti ang pasahero na kayang isakay ng modern jeepneys kumpara sa traditional jeepneys.
Paliwanag ni Salceda, ang traditional na jeep ay nagpo-produce ng 0.33 kilogram ng carbon emission kada pasahero kada taon, habang ang modern jeep ay mayroong 0.25kg kada pasahero dahil sa mas maliit na kapasidad