Pinoy lawyer na biktima ng pamamaril sa Amerika, pumanaw na

Pumanaw na ang Filipino laywer na biktima ng gun attack sa Philadephia sa Amerika.

Alas-10:33 kaninang umaga nang tuluyan nang bawian ng buhay si John Albert “Jal” Laylo na unang idineklarang brain-dead sa ospital.

Bago ito, patungo sa Chicago Airport ang mag-ina matapos na bumisita sa kanilang kaanak sa Philadelphia nang bigla pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang UBER car.


Nabaril sa ulo ang abogado habang nagtamo ng minor injuries ang kanyang ina na si Leah Bustamante.

Pinuna naman ni Althea Laylo, kapatid ng pumanaw na abogado si US President Joe Biden dahil sa kakulangan ng pagtugon sa mga insidente ng gun violence sa Amerika.

Si Laylo ay naging supervising legislative lawyer ng senado mula 2016 hanggang 2018 at naglingkod din siya sa opisina nina dating senador Manuel Roxas II at Senator Leila de Lima.

Naitalaga rin siyang official counsel ni outgoing Vice President Leni Robredo sa board of canvassers sa Makati City nitong 2022 elections.

Facebook Comments