Pinoy-made ventilators, ipinagmalaki ng DOST

May nakasungkit na ng 20 milyong pisong pabuyang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kung sinong Pilipinong makakadisensyo at makakabuo ng respirator para sa mga COVID-19 patient.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, apat na grupo ang nagpursigeng mag-develop ng life-saving machine.

At ang nanalo sa kanila ay ang team mula sa Technological Institute of the Philippines (TIP) na siyang naka-develop ng unang ventilator na gawang Pinoy.


Nakakuha rin ito ng third party certification mula sa kumpanyang Medical Equipment Healthcare Group Inc. (MedEquip).

Sinabi ni Dela Peña na susubukan ang kalidad ng mga respirators sa mga ospital.

Ang team naman mula sa Dos Bosco Technical College ay nakagawa rin ng ventilator pero ang TIP team ang unang naka-develop ng makina.

Bukod dito, mayroong prototype mechanical ventilator para sa adults ang nagawa.

Facebook Comments