Pinoy na biktima ng human trafficking, nakauwi na ng Pilipinas mula Myanmar

Nakauwi na ng Pilipinas ang Pinoy na ni-recruit bilang customer service representative sa Myanmar.

Unang nagtungo ang Pinoy sa Macau para magbakasyon sa kanyang kapatid na babae.

Gayunman, habang nasa Macau, may nakilala itong illegal recruiter sa Facebook.


Mula Macau, ang biktima ay lumipad patungong Bangkok at pagkapatos ay bumiyahe patungo ng Myanmar kung saan ginastusan siya ng isang Chinese.

Ayon sa biktima, nakaranas siya ng physical abuse sa trabaho hanggang sa nanlabas siya sa isang katrabahong Tsino kaya siya naalis sa kompanya.

Mula Myanmar ay bumiyahe patungong Thailand ang biktima kung saan siya nagpasaklolo para makauwi ng Pilipinas.

Facebook Comments