
Binigyan ng Department of Migrant Workers (DMW) ng Hero’s Welcome ang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 si Filipino Seafarer Capt. Roybel Tabobo.
Ito ay dahil sa malaking papel na ginampanan ni Capt. Tabobo sa pag-rescue sa siyam na Filipino crew members ng lumubog na barkong MSC ELSA 3 sa karagatan ng Kerala, India, nitong May 25.
Si Capt. Tabobo ay kapitan ng M/V Han Yi na pinaka-unang barkong rumesponde sa distress call mula sa lumubog na MSC ELSA 3.
Sa kabuuan, 20 Filipino crew members ang nakaligtas sa nasabing insidente.
Ang mga na-rescue na Pinoy seafarer ay nakatakdang umuwi ng bansa sa susunod na linggo.
Personal naman na tutungo sa DMW si Capt. Tabobo para tumanggap ng parangal sa kanyang kabayanihan.
Facebook Comments









