Pinoy na mangingisda nagwala; 2 patay, 2 sugatan

Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay kaso ng isang Pilipinong mangingisda na nanaksak at nakapatay sa dalawang kapwa Filipino at nakasugat ng dalawang iba pang dayuhan habang sakay ng isang fishing vessel sa karagatan sakop ng Indian Ocean.

Mula Indian Ocean, ang Taiwan Coast Guard Administration Vessel Hsun Hu no. 8 ay naglayag na patungo ng Taiwan at inaasahan darating sa Kaohsiung sa March 16 sakay ang Filipino suspect.

Ang hindi pinangalanang Filipino suspect ay nakatakdang i-turn over sa Pintung District Prosecutors Office para sa imbestigasyon.


Ang bangkay ng dalawang namatay na Filipino crewmen ay nilagyan ng yelo at sakay pa rin ng Fishing Vessel Wen Peng, habang ang dalawang Indonesian na nasugatan ay dinala na sa isang ospital sa Sri Lanka.

Ang ibang crew ng Fishing Vessel Wen Peng ay napilitang tumalon sa barko sa panahon  ng pag-atake, anim ang nawawala, habang ang iba ay naligtas ng Taiwanese Fishing Vessels noong Pebrero 22.

Ang Fishing Vessel Wen Peng ay isang Pingtung-Registered Fishing Boat ay mayroon 24 na crew, 10 Filipino, 11 Indonesian at 3 Taiwanese.

Facebook Comments