Pinoy na may aktibong kaso ng COVID-19 sa Singapore, 9 na lang

9 na lamang ang mga Pilipino sa Singapore na may aktibong kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos na umabot na sa 616 ang mga Pinoy sa Singapore na gumaling sa nasabing sakit.

Una nang naitala ang 625 na kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa Singapore.


Sa kabila naman ng pagluwag sa protocols doon, mahigpit pa rin ang paalala sa mga Pinoy ng Philippine Embassy sa Singapore na iwasan pa ring lumabas hangga’t maaari at panatilihin ang pagsunod sa pinaiiral na safety protocols.

Facebook Comments