Pinoy na nakapatay sa isang Saudi national, binitay sa Saudi Aradia

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa isang Pinoy sa Saudi Arabia na sinasabing nakapatay ng Saudi national.

Ayon sa DFA, wala ring naging abiso ang Saudi authorities sa Philippine Embassy o maging sa pamilya ng Pinoy bago isinagawa ang execution.

Tumanggi muna si DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na pangalanan ang binitay na Pinoy dahil na rin sa kahilingan ng pamilya nito.


Sinasabing away sa pera ang naging ugat ng pamamaslang ng Pinoy sa Saudi national.

Nilinaw naman ng DFA na ginawa nila ang lahat ng paraan para maisalba sana sa parusang kamatayan ang Pinoy.

Kabilang aniya ito ang apela na ginawa ng Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat kay Saudi King Salman bin Abdulaziz Al Saud.

Nag-alok din aniya ng blood money ang Philippine government pero makailang beses itong tinanggihan ng pamilya ng napatay na Saudi national.

Facebook Comments