Pinoy na nasugatan sa gulo sa Israel, nagpapagaling na; limang Pilipino ang naitalang nawawala habang lima, natagpuan na

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na isang Pilipino lamang ang sugatan sa nangyayaring gulo sa Israel.

Ang biktimang ito ay tinamaan ng bala sa katawan pero nagpapagaling na ngayon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OWWA Administrator Arnel Ignacio ang pangalan ng biktima ay si Joey Fasulingan.


Limang Overseas Filipino Worker (OFW) naman ang naiulat na nawawala ang mga ito ay kinilalang sina Grace Cabrera, Shelly Morillo, Norilyn Babadilla, Gallenir Leandro Pacheco at Loreta Alacre.

Habang natagpuan na ang nawawalang mga OFW na sina Loreta de Acosta, Buena Besol, Paul Vincent Castelvi, Marilyn Magana at Joey Fasulingan na naitalang sugatan.

Facebook Comments