Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa isolation room na sa isang ospital sa Singapore ang Pilipinong nagpositibo doon sa COVID-19.
Tumanggi naman ang DFA na pangalanan ang naturang Pinoy dahil ito ay labag sa privacy policy ng Singapore Ministry of Health.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Singapore na patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon at pangangailangan ng nasabing Pinoy.
Muli namang hinimok ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Singapore na panatilihin ang kalinisan at iwasan munang dumalo sa mga pagtitipon.
Ang mga Pilipino naman na may nararanasang sintomas tulad ng lagnat, ubo, sore throat at hirap sa paghinga ay pinapayuhan na agad na magpatingin sa doktor.
Facebook Comments