Pinoy na sakay ng sasakyan na nahulog sa sinkhole sa kasagsagan ng baha sa Dubai, isasailalim sa operasyon

Isasailalim sa operasyon ang Overseas Filipino Worker (OFW) na kinilala lamang sa pangalan na Cambalon, matapos itong magtamo ng multiple fractures.

Ito ay matapos na mahulog sa sinkhole sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang kaniyang sinasakyan sa kasagsagan ng malawakang flashflood doon.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang nasabing Pinoy worker ay nananatiling nasa ICU sa isang ospital sa Al Barsha.


Tiniyak naman ng DMW na stable ang kalagayan nito bagama’t siya ay kinakailangang operahan.

Tiniyak naman ng Migrant Workers Office- Overseas Workers Welfare Administration (MWO-OWWA) Dubai Post na tutulungan nila ang pamilya ng OFW habang nagpapagaling ito at maging sa mga araw ng kanyang rehabilitasyon.

Facebook Comments