Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na na-contact na ng Philippine Embassy sa Santiago ang Pilipinong turista na na-stranded sa Peru.
Ito ay matapos na magsara ang Cusco International Airport sa harap ng kaguluhan doon.
Ayon sa DFA, nasa maayos naman na kalagayan ang 24 year old na Pinoy backpacker na dumating sa Peru noong December 9.
Nagdesisyon din anila ang nasabing Pinoy na ipagpatuloy ang kanyang pag-tour doon hanggang sa magbukas muli ang flights sa Lima, Peru.
Kinumpirma rin ng DFA na nakipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Filipino community coordinator sa Peru at nangako anila ito na ipagpapatuloy ang pagtutok sa seguridad at kalagayan ng Pinoy tourist.
Facebook Comments