PINOY NA TUBONG LA UNION, PASOK SA TOP 5 NG INTERNATIONAL SONG WRITING COMPETITION

24
Pasok sa Top 5 ang composer na tubong Luna, La Union na si Prince Nonesa sa International Online Songwriting Competition na ginanap sa Singapore via Zoom noong Biyernes, ika-15 ng Setyembre 2022.
Ayon kay Nonesa, siya ay pressured sapagkat mula 2019-2021 ay hindi naaalis sa Top 20 ang Pilipinas, kaya naman doble ang kanyang naging paghahanda at ng Team Philippine Composer upang mailuklok nito sa ikalimang pwesto ang bansa.
Samantala, ipinagmamalaki naman ng LGU Luna na nagmula sa kanila ang naging pambato ng Pilipinas, na nakatunggali ang dalawampu’t pitong mga bansa na lumahok sa nasabing kompetisyon.

Facebook Comments