Pinoy nurse assistant, kalaboso dahil umano sa pangmomolestiya ng pasiyente

Image from Monterey Police Department

CALIFORNIA, UNITED STATES – Arestado ang isang Pinoy nursing assistant dahil umano sa pangmomolestiya ng isang pasyenteng nakaratay sa isang health care facility.

Ayon sa Monterey Police, inireklamo ang suspek na si Kelven Ferolino, 38, ng dating kasamahan sa Cypress Ridge Care Center matapos mahuli ang ginagawa nitong kalaswaan, gabi ng Pebrero 29.

Sa paunang imbestigasyon, lumabas na hindi na pala nagtratrabaho sa nasabing pasilidad ang salarin.


Kaya inaalam ng pulisya kung may iba pang nabiktima ang kababayan.

Sinabi naman ni Cypress Ridge administrator Ryan McCormack na sineseryoso nila ang usapin ng employee conduct at patient safety.

“The allegations made against this former team member do not reflect the values we hold at our facility. Our priority remains to provide the highest level of care for the patient and their families,” pahayag ni McCormack.

Aabot sa $30,000 o mahigit P1.5 milllion ang inirekomendang piyansa kay Ferolino na sinampahan ng kasong sexual battery at elder abuse.

Tumangging magbigay ng reaksyon ang salarin hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments