Tumaas ang bilang ng mga Pinoy nurses na nagbabakasakali na makapagtrabaho sa Estados Unidos.
Ayon sa ACTS-OFW, umabot sa 12,786 na mga Filipino nurses ang kumuha ng U.S. licensure examination sa 2019.
Hindi hamak na mas tumaas ito ng 24% sa 10,302 na mga Pinoy nurses na kumuha ng pagsusulit sa Amerika noong 2018 at pinakamataas din na naitalang bilang mula noong 2010.
Samantala, nagsimula na rin mag-hire ang Germany at Saudi Arabia ng 2,050 na mga Filipino nurses sa kanilang mga bansa.
Kinakitaan naman ng grupo na tumataas ang demand sa serbisyo ng mga Pinoy nurses sa ibang bansa.
Ang mga maha-hire na nurses sa Germany ay makakatanggap ng sweldo na 2,000 Euros o P111,000 habang sa Saudi Arabia naman ay may sahod na 4,110 riyals o P54,500 kada buwan.