Pinoy, patay matapos atakihin ng pulubi sa Amerika

392

Patay ang isang Pilipino matapos atakihin ng isang pulubi sa Los Angeles, California.

Kinilala ng LA Police District ang biktima na si Julius Rondez, 70 anyos.


Si Rondez at tubong Compostela Valley at kasalukuyang nagtatrabaho sa Department of Water and Power Firm sa L.A.

Sa ulat ng pulisya pauwi na ang Pinoy mula sa kanyang trabaho nang bigla itong sungaban ng pulubi na si Gerson Carillo Torres, 22 anyos.

Sinakal nito si Rondez hanggang sa mawalan ng malay at mabagok ang ulo sa sidewalk sa isang istasyon ng tren.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero nasawi rin ito kinabukasan.

Nakakulong na ang suspek pero tikom pa rin ito sa motibo ng pag-atake niya sa Pinoy.

Facebook Comments

From Advertisers