“Pinoy playlist”, mandatory na ipapatugtog sa hotels, resorts, restaurants, tourist buses at mga international inbound flight

Ioobliga na ang hotels, resorts, restaurants, tourist buses, at lahat ng international flights papasok ng bansa na magpatugtog ng musikang pinoy.

Ito ay matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10305 o ang mandatory na pagpapatugtog ng Philippine music sa mga nabanggit na establisyemento at mga international inbound flights sa botong 179-0-0.

Sa ilalim ng batas, ang mga inbound flight at tourist buses ay obligadong magpatugtog ng 50% Pinoy “playlist” habang 25% naman sa hotels, resorts at restaurants.


Layunin ng panukala na maipakita ang “native culture” sa pamamagitan ng musikang Pilipino, anuman ang musical composition, ito man ay instrumental, may liriko (Filipino, English o ibang dayalekto), basta’t ito ay nilikha, isinulat at ang areglo ay inilatag ng Pilipino.

Ang airline companies na bigong makasunod sa oras na ito ay maisabatas ay mahaharap sa P300,000 na multa habang P50,000 naman sa kada paglabag ng bus operators at P20,000 na multa sa bawat paglabag ng hotels, restaurants, at resorts.

Facebook Comments