Tumaas pa umano ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ngayong 2022.
Ito ang ibinahagi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means tungkol sa economic cost at mga pakinabang ng bansa sa POGO.
Batay sa datos na ibinahagi ni BIR Director Sixto Dy Jr., noong 2022, may 16,736 na manggagawang Pilipino ang nagtatrabaho sa licensed POGO kung saan mas mataas ito sa 15,745 na naitala noong 2021 at 13,991 naman noong 2020.
Taliwas ito sa bilang ng dayuhang POGO workers na bumaba sa 14,838 noong 2021 mula sa 28,394 noong 2020 bago umangat sa 17,509 noong 2022.
Tinukoy rin na mula sa 14.19% noong 2019, umangat pa sa 48.87% ang kabuuang Pinoy workforce sa nasabing industriya.