Nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa katatapos lang na 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.
Nakapagtala si Obiena ng 5.81 meters na record dahilan para maungusan niya ang 2nd world ranking na si Christopher Nilsen ng US.
Ayon kay Obiena, isa itong magandang simula para sa second part ng season dahil bukod sa nasungit niya ang gintong medalya ay pasok sa standard ang kaniyang record para sa Hungary’s 2023 World Athletics Championship.
Samantala, agad naman na sasabak si Obiena para sa Lausanne Diamond League sa Switzerland sa August 25 at muling babalik sa Germany para naman sa True Athletics Classics sa August 28.
Facebook Comments