Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena, nagbantang magreretiro na matapos ang alegasyon sa kaniya ng Philippine Athletics Track and Field Association

Ikinadismaya ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena ang alegasyon laban sa kaniya ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA.

Ito ay makaraan siyang akusahan ng asosasyon na pineke ni Obiena ang liquidation na isinumite sa PATAFA at hindi binayaran ang kaniyang coach na si Vitaly Petrov.

Sa isang pahayag, pinabulaanan ni Obiena ang mga naturang paratang at iginiit na nakahanda siyang humarap sa korte upang mapatunayan na walang katotohanan ang ibinabatong alegasyon ng PATAFA laban sa kaniya.


Kaugnay nito, naghain na rin ang kampo ni obiena ng pormal na reklamo sa Philippine Olympic Committee, International Olympic Committee at World Athletics.

Nilinaw naman ni Petrov na binayaran siya ni Obiena ng aabot sa 85,000 euros o higit P4.8 million at wala siyang problema sa 26 year old athlete na kaniya nang ikino-coach mula pa noong 2014.

Ayon kay Obiena, ikinokonsidera na niya ang pagreretiro lalo na kung walang gagawing aksyon sa paninira laban sa kaniya.

Facebook Comments