PINOY PRIDE | KZ Tandingan, pasok sa top 4 ng Singer 2018 sa China

Manila, Philippines – Pasok sa top 4 ang pambato ng Pilipinas na si KZ Tandingan sa latest episode ng singing reality show sa China na ‘Singer 2018’, kung saan inawit ni KZ ang kantang Say Something ni Justin Timberlake.

Ayon kay KZ, ikinagulat niya na makapasok sa top 4.

Say ng singer, expected niya na mas mababa sa top 6 ang kaniyang ranggo dahil last minute na raw sinabi sa kaniya na say something pala ang kaniyang ipe- perform.


Gayunpaman, masaya ang singer sa kinalabasan ng latest episode ng Singer 2018.

Facebook Comments