Pinoy repatriates mula Sudan, pinapayuhang magdala ng pera sa paglilikas

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Egypt ang mga Pilipinong lilikas mula Sudan na magdala ng pera.

Ito ay dahil aabutin ng 5 araw ang kanilang biyahe patungo ng Port of Sudan.

Ayon sa embahada, kakailanganin ng repatriates na magbayad ng kanilang pansamantalang matutuluyan habang nasa ruta ng paglilikas.


Anila, marami namang lugar sa Port of Sudan na maaaring pansamantalang tuluyan ng Pinoy Repatriates.

Pinapayuhan din ng embahada ang mga Pinoy sa Sudan na iwasan na munang tumawid patungo ng Egypt.

Sa ngayon kasi ay naghihigpit na ang Egypt sa pagbibigay ng visa sa mga Pinoy na tumatawid sa kanilang bansa.

Facebook Comments