Ibabalik na sa Metro Manila ang mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakakumpleto na ng kanilang hotel quarantine sa Laoag, Ilocos Norte at Subic, Zambales.
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mangangasiwa sa pagbalik sa Kalakhang Maynila ng mga umuwing distressed Pinoy workers.
Ang naturang OFWs ay sakay ng chartered flights ng Philippine Airlines (PAL) mula Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE) kung saan lumapag ito sa Laoag International Airport at Subic International Airport.
Habang lahat ng OFWs naman na hindi taga-Davao at nag-quarantine sa mga hotel doon ay isasakay naman domestic flight ng PAL pabalik ng Maynila.
Facebook Comments