Sunday, January 18, 2026

Pinoy rower na si Cris Nievarez, nagtapos sa ikalimang puwesto sa semis sa Tokyo Olympics

Nagtapos sa ikalimang puwesto ang Pinoy rower na si Cris Nievarez sa semifinals C/D sa Sea Forest Waterway sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos maitala ni Nievarez ang C/D men’s single sculls sa rowing competition sa loob ng 7 minuto at 26.05 segundo.

Bagama’t bigo makaabante sa Final C ay tsansa namang makapuwesto si Nievarez sa pagitan ng ika-19 at ika-24 na puwesto sa gaganaping Finals D sa Biyernes.

Nakapagtala ng kasaysayan ang 21 taong gulang na manlalaro matapos makaabot sa quarterfinals stage nitong nakaraang linggo.

Facebook Comments