Pinoy sa Hawaii, nagpakamatay matapos barilin ang dating asawa

Marcos at Imelda Villaspir /Facebook

Patay sa murder-suicide ang dating mag-asawang kapwa Pilipino sa Hawaii, USA, nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya sa Honolulu, pinuntahan ng suspek na si Marcos Villaspir ang dati niyang asawa na si Imelda sa home care facility na pinagtatrabahuan nito sa Kalihi.

Doon umano binaril ni Marcos ang Pinay, at saka naman binaril ang sarili pagkatapos.


Agad binawian ng buhay ang suspek, habang nasawi kalaunan sa ospital si Imelda.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang divorce ng dalawa nito lamang nakaraang buwan sa motibo ng pamamaril.

Facebook Comments