Ginawaran ng United Nations’ Sasakawa Award ang isang Filipino scientist para sa kanyang kontribusyon sa disaster risk reduction.
Ang parangal ay iginawad kay Glenn S. Banaguas, na namumuno sa mga programa ng Climate Smart Philippines na tumutugon sa mga panganib ng climate change.
Mula sa 200 nominasyon sa buong mundo, natanggap ni Banaguas ang parangal sa Bali, Indonesia.
Nabatid na ang pinangunahang programa nito ay nagtitipon ng mga siyentipikong eksperto at stakeholder upang talakayin ang mga panganib at maiwasan ang mga potensyal na pinsala at banta ng climate change sa bansa.
Ayon sa Climate Smart and Disaster Resilient ASEAN, ito ang unang pagkakataon na nagwagi ang nag-iisang Pilipino sa 35 taong kasaysayan ng parangal.
Facebook Comments