
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas na ang Filipino seafarer na nagtamo ng injury matapos mahulog habang naglo-loading sa cargo ship.
Ang Pinoy crew member ay sumailalim sa operasyon sa Alkhobar, Saudi Arabia matapos magtamo ng mga bali.
Tiniyak din ng DMW na poprotektahan nila ang Pinoy seafarer para hindi mabiktima ng “ambulance chasing”.
Ilan kasi sa mga abogado sa Pilipinas ang anila’y kunwari ay nagmamagandang loob sa mga naaksidente tripulante at kukumbinsihin ang kanilang Pinoy seafarer na magdemanda sa kanyang manning agency, pero hihingian ang Overseas Filipino Worker (OFW) ng malaking attorney’s fees.
Facebook Comments









