Inanunsyo ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na hindi muna papayagan ng pamahalaan ang Pinoy seafafers na sumampa ng mga barko ng shipping companies na nasangkot sa pag-atake ng Houthi rebels.
Partikular ang shipping companies na nagmamay-ari sa Galaxy Leader, True Confidence at MV Tutor.
Ito ay dahil sa nagpatuloy pa rin sa pagdaan ang naturang mga barko kahit alam nilang mapanganib ang Red Sea at Gulf of Aden.
Tiniyak din ni Cacdac na oobligahin na rin nila ang mga principal at ship owners na maglatag ng security measures bago sila makapag-hire ng Pinoy crew.
Kabilang dito ang pagtatalaga ng maritime security escorts sa mga barko.
Kokonsultahin din ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa Risk Assessment Review para sa Maritime Security Protection ng Pinoy seafarers.