Pinoy seafarers, hinimok ng DMW na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy at sa MWO kapag sila ay hinaharang sa borders sa US

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Filipino seafarers na igiit ang kanilang karapatan sa consular assistance at due process sakaling maharang sila sa US borders.

Kasunod ito ng report na ilang Pinoy crew ang kinukulong, ini-interrogate, at pinapipirma ng US authorities ng visa revocation papers kahit walang kaharap na abogado.

Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia, may karapatan ang Filipino seafarers na tumawag sa Philippine Embassy o sa pinakamalapit na Migrant Workers Office (MWO) bago pumirma sa anumang dokumento o sumailalim sa interrogation.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DMW at ang Philippine Embassy sa Washington sa US authorities upang malinawan ang sinapit ng Pinoy crew members.

Ito ay lalo na’t 130 Filipino seafarers na ang napa-deport ng US government mula Enero ng taong ito.

Facebook Comments