Pinoy seafarers, maaari nang magsimulang bumoto sa April 13 para sa absentee voting

Nagdagdag ang Comelec ng mga lugar abroad na paglalagyan ng voting machine kaugnay ng absentee voting.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, karamihan dito ay sa Middle East.

May mga lugar pa naman anya na idadaan sa koreo ang boto pero mangilan-ngilan na lang ito.


April 13 magsisimula ang overseas absentee voting.

Inabisuhan naman ng Comelec ang mga seaman na simula sa Abril 13 ay maari na rin silang makaboto sa pinakamalapit na Embahada ng Pilipinas kung saan sila nakadaong.

Facebook Comments