Pinoy seafarers na huling naiuwi ng bansa matapos maipit sa lockdown sa China, nag-negatibo sa COVID swab test

Pawang negatibo sa COVID-19 test ang 16 na Filipino seafarers na naipit sa lockdown sa China.

Ang naturang Pinoy crew members ay dumating sa bansa kaninang madaling araw na pawang nakasuot ng Personal protective equipment (PPE).

Bago umalis ng China, lumabas sa pagsusuri na lahat sila ay negatibo sa COVID-19.


11 sa 16 Pinoy seafarers na dumating kanina ay mula sa Ocean Star 86, na stranded sa Dongshan, China mula pa noong Marso 2020.

Habang ang limang iba pa ay mula naman sa M/V Maria P. na stranded sa Ningde mula noong July 2020.

Ang naturang dalawang barko ay kapwa Chinese fishing vessels na naapektuhan ng “no disembarkation” policy ng China sa harap ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang pakikipagnegosasyon sa Chinese authorities ng Philippine Consulate General sa Xiamen at ng mga may-ari ng barko, napayagan ding makadaong ang dalawang Chinese fishing vessels.

Facebook Comments