Pinoy seafarers na nakaligtas sa Houthi attack sa Yemen, dumating na sa Egypt

Mula Djibouti City, Africa, nasa Egypt na ang 11 Filipino seafarers na nakaligtas sa missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.

Ang naturang mga Pinoy ay nai-turn over na sa Philippine Embassy sa Cairo, Egypt.

Sa sent off ceremony ng Embahada, pinasalamatan nito ang Djibouti Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation, gayundin ang Ministry of Health at ang Djibouti Ports Authority sa pagtulong sa mga Pinoy.


Malaki rin ang naging papel ng naturang mga ahensya ng Djibouti sa rescue operation sa Pinoy crew members.

Bukas ng gabi, dadating sa Pilipinas ang Pinoy seafarers habang naiwan pa sa pagamutan sa Djibouti City ang dalawang Pinoy na malubhang nasugatan sa pag-atake.

Facebook Comments