Nanganganib na hindi na makasampa sa mga European-flagged vessel ang mga Filipino seafarer.
Ito ay kung mabibigo ang Pilipinas na makasunod sa global maritime training at education standards ng European Union para sa mga seafarer.
Nabatid na noong 2020, inabisuhan ng European Commission (EU) ang Pilipinas hinggil sa mga kakulangan nito sa pagsasanay at sistema ng sertipikasyon ng mga marino.
Kaugnay nito, sinabi ni Vice Admiral Robert Empedrad, pinuno ng Maritime Industry Authority (MARINA) na nakipagpulong na sila sa mga opisyal ng EU para alamin kung paano makakasunod ang bansa sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Isinagawa ang pulong sa Brussels noong Pebrero 8 kasunod na rin ng hiling ng Pilipinas.
Binigyan hanggang Marso 10, 2022 ang bansa para maka-comply sa maritime global maritime safety requirements.
Ang naturang global shipping industry ay nagkakarga ng 80% ng international trade at may 1.2 milyong seafarers na karamihan ay mula sa Pilipinas.