Pinoy seafarers, pinuri ng DOLE

Pinuri ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Filipino seafarer bilang isa sa mga pinakamagiting sa buong mundo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang kanilang katapangan ang dahilan kung bakit maraming employers ang mas tinatanggap ang mga Pilipinong manlalayag.

“I admire the never-say-die attitude of our seamen in the face of great danger, a trait common to many Filipinos particularly our OFWs,” sabi ni Bello.


Nabatid na dumating na sa bansa nitong Sabado sina Eduardo Sareno at Jaynel Rosales, ang dalawang Pinoy survivors ng lumubog na Panamanian vessel Gulf-Livestock 1 sa karagatan ng Japan.

Noong Biyernes, ay naiuwi na rin ang labi ng isa pang Pilipinong crew na si Joel Canete Linao.

Bago ito, sumailalim sa medical check-ups at ilang linggong hotel quarantine ang dalawa alinsunod sa health protocols ng Japan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng kanilang test resulta bago maiuwi sa kanilang hometowns.

Pagtitiyak ng DOLE na mabibigyan ng suporta ang dalawang Pilipino survivors, naulilang pamilya ni Linao at pamilya ng iba pang nawawalang seafarers. 

Facebook Comments