Pinoy swimmer na si Gary Bejino, bigong makausad sa finals ng 200 meter individual sa Tokyo Paralympics

Nabigong makakuha ng pwesto sa finals ng 200 meter individual ang Filipino swimmer na si Gary Bejino sa Tokyo Paralympics.

Nagtapos si Bejino bilang ika-17 sa preliminary heats at nakapagtala ng tatlong minuto ay 17 segundo.

Kinakailangan kasi rito na makapasok kahit sa top 8 para makatungtong sa finals ngayong tanghali.


Samantala, hindi pa tapos ang laban ni Bejino at muli siyang sasabak sa 50 meter butterfly event sa Agosto 30.

Si Bejino ang unang paralympian na lumaro mula sa limang pinoy na kalahok sa tokyo paralympics.

Facebook Comments