Bukas na para sa mga dadayong turista ang Pinsal Falls na matatagpuan sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Sa abiso ng Sta. Maria Ilocos Sur Tourism Office, limitado hanggang sa kasalukuyan ang mga water activities at ang pinahihintulutan sa ngayon ang pagsakay sa mga floating cottages, sight-seeing sa mga Two Views Decks.
Maaari ring mag picnic bagamat mariing ipinaalala ang pagtalima sa proper waste disposal upang mapanatili ang kalinisan ng pook-pasyalan.
Iginiit din ng tanggapan ang palagiang paggamit ng life vest, at huwag umanong mag-atubiling magtanong o humingi ng assistance sa mga bangkero at opisyal ng barangay na nakaduty.
Samantala, ipinagbabawal pa muna sa ngayon ang trekking at diving. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







