Umaabot na sa mahigit 300 libong pamilya ang naapektukhan ng bagyong Henry, Inday, Josie at nararanasang Low Pressure Area (LPA) sa ilang mga lalawigan sa bansa.
Batay ito sa monitoring na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ang mga apektadong pamilya ay namonitor sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 6, CAR at NCR.
11,565 na pamilya ay nanatili sa mahigit dalawang daang mga evacuation centers habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.
Tiniyak naman ng NDRRMC na nabibigyang ayuda ang mga apektadong pamilya.
Sa katunayan umaabot na sa mahigit 47 milyong pisong halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD, DOH, Local Government Unit at Non-Government Organizations sa mga apektadong pamilya.
Patuloy naman ang monitoring NDRRMC operation center sa mga lugar na apektado pa rin ng sama ng panahon.