PINSALA | Bagyong ‘Henry’ at ‘Inday’, nag-iwan ng halos P13-M pinsala sa agrikultura

Manila, Philippines – Umabot na sa halos 13 milyong piso ang iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong ‘Henry’ at ‘Inday’.

Ayon kay Department of Agriculture Field Programs Operational Planning Division Chief Christopher Morales, aabot sa 1,429 na ektarya ng palay ang apektado sa Calabarzon, MIMAROPA at Western Visayas na tinatayang nagkaroon ng production loss na nasa 49 metric tons.

Katumbas ito ng 0.43% ng kabuoang higit 300,000 ektarya ng rice standing crops sa mga rehiyon ng CAR, 1, 2, 3, 4-A, 4-B, V at 6.


Karamihan sa mga naapektuhang rice crops ay nasa vegetative stage na naiulat na partial o totally damaged.

Facebook Comments