PINSALA | Dalawang bayan sa Zamboanga del Norte, isinailalim sa state of calamity

Manila, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang dalawang bayan sa Zamboanga del Norte dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Vinta.

Una nang itinaas ang state of calamity sa bayan ng Gutalac, kung saan hindi bababa sa 21 katao ang nalunod at pitong katao ang nawawala.

Sa ngayon ay hindi pa rin madaanan ang barangay Mamawan at barangay Canupong dahil sa landslide at mga nasirang tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Baliguian at Siocon.
Itinaas din ang state of calamity sa bayan ng Salug.


Una rito, narekober ang labing tatlong bangkay sa lugar habang patuloy pang hinahanap ang apat na iba pa.
Matatandaang hindi bababa sa 200 katao ang iniwang patay ng bagyong Vinta.

Facebook Comments