PINSALA | Halaga ng natupok na sunog sa Mandaue City, umabot sa 600,000 pesos

Mandaue City – Umabot sa anim na raang libong piso ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog na sumiklab kahapon sa isang residential area sa Sitio Tangke, Barangay Labogon sa Mandaue City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaue City, 2:40 nang makuha nila ang alarma na may nasusunog at tumaas pa sa task force alpha bandang 3:14 ng hapon.

3:31 nang maideklara itong fire under control.


Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang apoy sa bahay ng kinilalang si Titing Mendoza kung saan umano nag laro ng posporo ang mga bata.

Wala namang naitalang sugatan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments