PINSALA | Iniwang pinsala ng hanging habagat sa imprastraktura at agrikultura, umabot na sa P2.4-B – NDRRMC

Manila, Philippines – Pumalo na sa 2.4 billion pesos ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng ulang dala ng hanging habagat na pinakalas ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Ricardo Jalad, ito ay kabuoang halaga ng pinsala na naitala mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera.

Dagdag pa ni Jalad, aabot sa halos 382,000 na pamilya o katumbas ng 1.6 million na indibidwal mula sa 1,479 na barangay sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Cordillera at Metro Manila ang naapektuhan ng pagbaha.


Aabot sa 20 lugar partikular sa dalawang lalawigan, 16 na lungsod at munisipalidad at dalawang barangay ang idineklarang nasa state of calamity.

Sa hulid datos ng NDRRMC, siyam ang kumpirmadong patay dahil sa epekto ng habagat na pinag-ibayo ng mga bagyong Henry, Inday at Josie.

Facebook Comments