Nasa humigit ₱832,816,645 na halaga ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan dulot ni Bagyong Egay at habagat sa Pilipinas.
Habang pumalo naman sa ₱1.191 billion ang pinsala sa imprastraktura sa Regions 1, MIMAROPA, Regions 5, 6, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas may kabuuang 164,430 pamilya o 582,288 indibidwal ang apektado ng bagyo at habagat, kung saan 9,429 kabahayan mula sa CAR, Regions 1, 2, 3, CALABARZON; Regions 6, 10, 11, 12; at BARMM ang nasira at nasa 376 dito ang totally-damaged.
Samantala, nakalabas man ang Bagyong Egay sa Pilipinas ay nanatili pa ring nakataas sa red alert status ang NDRRMC at mga Regional offices nito dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo na si Falcon.