Pinsala ng Bagyong Florita sa imprastruktura, pumalo na sa halos P500 milyon

94

Pumalo na sa halos P500 milyong ang halaga ng pinsala sa imprastruktura matapos ang pananalasa ng Bagyong Florita.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P498,980 ang halaga ng nasa 102 nasirang imprastruktura sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Sa naturang bilang, 93 dito ay mula sa Ilocos Region na kung saan aabot sa 474,580, habang siyam sa Cagayan Valley na nasa 24,400.


Naapektuhan din ng bagyong Florita ang 72 kabahayan sa mga nasabing rehiyon.

Habang, nasa 31,936 pamilya o katumbas ng 129,768 indibidwal naman ang apektado pa rin ng bagyo mula sa 486 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Samantala, nananatili sa tatlo ang bilang ng mga nasawi, habang apat ang sugatan.



Facebook Comments